I love cakes. Kahit noong bata pa ako. Ewan. Masarap eh. Sa Birthday, sa Pasko, sa Bagong Taon, Valentines Day, Mother's Day, Father's Day, o kahit pang meryenda lang, iba ang dating sa akin kapag may cake. Pakiramdam ko laging meron espesyal, di ba?
Ang ayaw ko ay yung binalahurang cake. Yung parang walang kabuhay-buhay. Yung itsurang tinapay lang na nilagayan ng Nestle Cream, whip cream, o icing na mukhang merengue. Yung tuyot o puro tamis lang. Bad yun. Sabihin mo man na maarte ako, eh yun ang dahilan kung bakit hinde ko ma-tripan yung cake na tinitinda sa bakery. Walang basagan ng trip.
Ayaw ko talaga ng binalahurang cake. Kapag bumibili ako ng cake sa mga branded bakeshops katulad ng Red Ribbon o Goldilocks, tinitignan ko kung sino ang mas may malufet na cake offering. Pansin ko na mas angat na ang mga Red Ribbon cakes ngayon kumpara sa Golilocks. Sa Black Forest cake pa lang ng dalawa, mas malinam-nam ang Red Ribbon sa hitsura at sa lasa. Ewan ko ba kung ano na nangyari sa mga cakes ng Goldilocks. Lumaki ako sa Goldilocks pero hindi naman ganun ang mga cake nila noon. Sila pa nga ang 1st choice ng pamilya kapag cake na ang pinag-uusapan eh.
Baking a cake is an art. And we appreciate art, in one way or another, kahit painting pa yan, drowing, o sculpture. Sana naman hinde pa nawawalan ng art ang Goldi.
So, kanino ka?... Red Ribbon o Goldilocks?...
Ako iba ang tanong ko sa isip ko eh... Ano ba sa tagalog ang cake?
0 Wats ur comment?:
Post a Comment