Iba na din talaga ang panahon ngayon. Sa TV commercials pa lang, makikita mo na ang pagbubukas-isip ng mga tao sa mga bagay-bagay. Isa na dito ang mga commercials ng condom. Dati patago ito bilhin o ipagtanong sa drugstore. Ngayon, parang kendi na lang sa tindahan.
Naalala ko tuloy nung high school student pa ako. Ako ang madalas utusan ng nanay ko sa Mercury Drug sa Kalentong. Hinde pa supermarket ang style ng drugstores noon kaya lahat ng bibilhin mo eh aasikasuhin ng Pharmacy Assistant. May nakasabay akong malaking mama sa kaliwa na bumili ng Biogesic sabay parang pabulong na nagsabi ng condom. Mabilis namang kumilos para kumuha ng gamot yung babaeng Pharmacy Assistant na umasikaso sa kanya. Malamang condom lang talaga ang bibilhin nung mama pero umi-style lang ng Biogesic para hinde nakakahiya. Lusot na sana siya kaso sumigaw yung Pharmacy Assistant sa payment counter na nasa gitna ng drugstore. "Sir, ilan po uli yung Imodium?" Hehehe. Tatawa-tawa ako sa isip. Nakikiramdam. Mali yata ang dinig nung Pharmacy Assistant. Imbes na condom eh, Imodium. Hinde maka-imik yung mama. Gusto nyang sabihin ang salitang "condom" pero hindi nya malaman kung paano ito sasabihin. Maririnig ng lahat kasi nga nasa gitna ng drugstore yung payment counter. Gusto nyang sumigaw ng pabulong... "Condom!"
Sumigaw ulit yung Pharmacy Assistant na medyo na-weirduhan dahil sa hindi pag-imik nung mama kahit na nakatingin na ito sa kanya. "Sir, ilan po uli yung Imodium?!" Paulit na sinabi nung Pharmacy Assistant. Medyo mas malakas sa dati. Hehehe. Tumatawa na ako ng malakas sa isipan ngayon (at nagmumukhang tanga na din). Umubo ng konti at nagsalita na din yung mama. "Condom!" Narinig kong tumawa bahagya ang mga tao sa paligid nung mama at napangiti din yung babaeng Cashier. Pero hindi masyadong nahiya yung mama. May composure. Madalas na talaga siguro ito bumili nun. Hahaha! Tawa na naman sa isip. (Dito nagmukha na talaga akong tanga dahil naka-ngisi ako na parang aso).
Wala na ulit akong na-experience na ganun sa Mercury Drug. Kung nung panahon na yun eh talagang nakakahiya bumili ng condom, kabaliktaran na ngayon. At fancy pa nga dahil may iba't-ibang kulay pa at "flavor." Pero hindi pa din daw para sa lahat ang condom. Tignan mo yung mga commercials. May singsing yung lalake di ba? Pahiwatig na may may asawa na siya. Ahm, yun lang hinde ko napansin kung may singsing din yung babae na kasama niya. O talaga bang asawa niya yun. Hehehe. Wala lang. Nilagyan ko lang ng kulay. So... Are we good?!
Dito Ka Na Sa Windang
Ang buhay ng isang pinoy nga naman, minsan eh, nakaka-windang. Pero kahit ganun, lagi tayong masaya at tumatawa sa pag-gulong ng buhay.
Taralets at mag-adik sa mga mababasa nyo. Suportahan ang mga advertisments sa pag-click nito. Para sa mga suhestiyon, dagdag comments o mga nakaka-windang na larawan at istorya, email lang kayo sa windangfilipino@yahoo.com.ph.
Mula ngayon, isa ka nang tunay na Windang Filipino!
Taralets at mag-adik sa mga mababasa nyo. Suportahan ang mga advertisments sa pag-click nito. Para sa mga suhestiyon, dagdag comments o mga nakaka-windang na larawan at istorya, email lang kayo sa windangfilipino@yahoo.com.ph.
Mula ngayon, isa ka nang tunay na Windang Filipino!
Tuesday, September 15, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Wats ur comment?:
Post a Comment