Dito Ka Na Sa Windang

Ang buhay ng isang pinoy nga naman, minsan eh, nakaka-windang. Pero kahit ganun, lagi tayong masaya at tumatawa sa pag-gulong ng buhay.

Taralets at mag-adik sa mga mababasa nyo. Suportahan ang mga advertisments sa pag-click nito. Para sa mga suhestiyon, dagdag comments o mga nakaka-windang na larawan at istorya, email lang kayo sa windangfilipino@yahoo.com.ph.

Mula ngayon, isa ka nang tunay na Windang Filipino!
Showing posts with label humor. Show all posts
Showing posts with label humor. Show all posts

Sunday, August 9, 2009

Noypi Jokes: Issue 1

SA MENTAL HOSPITAL
(1 baliw nagbubungkal ng lupa para magtanim)

BALIW: Magtatanim akooooo, magtatanim akoooooo. (Clap clap clap)
NURSE: Anong ginagawa mo?

BALIW: Magtatanim baket?
NURSE: Pano ka magtatanim eh wala ka namang mga seeds na itatanim? Baliw ka talaga! Pumasok ka na nga sa loob! Buset.

BALIW: Eh kaw pala sira ulo eh!.. Seedless ito! Seedless! Leche.
----------

ROCK BAND

TELE: Ano bang hinahanap mo dyan sa 3-in-1 coffee mo at kanina ka pa silip nang silip dyan?
TABIS: Hinahanap ko yung libreng asukal! May nakasulat kasi na "Sugarfree."
TELE: Bobo! Banda kaya yun!
----------

SA DELIVERY ROOM

DOC: Kambal anak mo. Sister mo nagbigay ng names.
INA: Naku, eh tanga un Doc. Ano pinangalan sa mga anak ko?
DOC: Sa girl, DENICE.
INA: Aba, ok un ah! Eh dun sa boy?
DOC: DENEPHEW...
INA: Buset!
----------

THE KURIPOT

>> Mrs. Tanoy is a very kuripot woman.

>> When her husband died, she inquired with the newspaper asking the price for the obituary.

>> The Ad Taker said: "300 pesos for 5 words."

>> She said: "Pwede ba 2 words lang? "Tanoy dead."

>> Ad Taker: "No ma'am. 5 words is the minimum."

>> After thinking for a while, Mrs. Tanoy said to the Ad Taker:

>> Ok, para sulit, ilagay mo, "TANOY DEAD. HONDA FOR SALE. "
----------

UR BOTH

“Am I pretty or ugly?” Tanong ng naglalambing Misis sa kanyang Mister.

“BOTH.” Sagot ng Mister.

“Ano ang ibig mong sabihin na BOTH?”

“Ang ibig kong sabihin, you’re pretty ugly.”
----------

MALE FANTASY OF A FEMALE BY AGE

Age 17 – Tall, Dark and Handsome
Age 25 – Tall, Dark and Handsome with Money
Age 35 – Tall, Dark and Handsome with Money and a Brain
Age 48 – a Man with Hair
Age 66 – a Man
----------

TUNNEL OF LOVE

Magkasintahan nag-uusap habang nakasakay silasa isang tren na naglilibot sa ibat-Ibang States sa Amerika...

LALAKE: “Kung alam ko lang napakahaba noong tunnel na dinaanan nati kanina, eh di sana hinalikan kita.” BABAE (nagtataka): “Ibig mong sabihin hindi ikaw yung kahalikan ko kanina??”
----------

SEA MANLOLOKO

GF: Niloloko mo ako!

BF: Ha? Bakit?

GF: Nakita kita sa SM, may kasamang iba!

BF: Tumigil ka! Di kita niloloko. Yung kasama ko sa SM ang niloloko ko!

GF: Ah, akala ko ako eh. Sori na. Loveyou!
----------

Wednesday, August 5, 2009

Opis Windang

(emailed from a friend)

ANO KAYA KUNG...

Ang lobby guard niyo ay si Palito alias Rambuto.

Ang time administrator niyo ay si Cherie Gil at ang morning greeting niya with a smile ay..."Welcome to hell..."

Ang HR head niyo ay si Bella Flores at ang Employee Relations Officer ay si Odette Khan at ang HR Staffing head ay si Dexter Doria... At pag pumasok ka na walang ID o hindi naka-uniform... kakaladkarin ka nila sa buhok palabas ng opisina pagkatapos kang pagsasampalin.

Ang Employee Benefits head ay si Lolit Solis...Cge... magreklamo ka na maliit ang sweldo mo... Cgeeeeeeeeeeeeeeeeee... I dare you!!!!

Tuwing may problema ang kompanya, ang Corporate Communications head niyo na si Cristy Fermin ang nagbibigay ng official company statement... At ang simula nang kanyang presscon ay... "Galing ito sa isang reliable source at itataya ko ang buhay at karangalan ko dito... Wala akong libel case na inuurungan..."

Ang official company driver niyo ay si Vandolph. Do I have to explain?

Kapag kasama mo mag-OT si German Moreno... Walang tulugan!

Ang Legal Investigator niyo ay si Tony Falcon at ang assistant niya ay si Wengweng... Paminsan minsan ay tumutulong si Ricky Lo at Madam Auring bilang consultant.

Tuwing bubuksan mo ang filing cabinet andun si Mahal sa loob para iabot ang file na hinahanap mo.

Messenger niyo si Kuya Cesar.

Si Boy Abunda ang career counselor mo at tuwing me problema ka ang tanong niya ay... "Mag-usap tayo kaibigan... Kung nasa harap ka ng salamin ano ang sasabihin mo sa iyong sarili?"

Si Love AƱover ang voice behind your automated phone system. "Mga katsokaran... ip you chuva da number
eklavu... dependots 1... ips not... luz valdez... charing!"

Ang Office Security niyo ay binubuo ng Tulfo Brothers... Bigla silang darating sa opisina mo at sasabihin "Hephephep... Nag-uuwi ka ng bond paper... Tarantadong to ah... Manggagantsong butete ka!!!" At pag tumanggi ka... Ipapanood nila sa yo ang hidden camera shots na nagpupuslit ka ng 2 pirasong bond paper mula sa printer... Habang pinoposasan ka ng mga pulis.

Tuwing pasko ang prize committee head ay si Bernadette Sembrano at Vicky Morales. Taun-taon din ay nanalo ko ng banana-cue at pedicab showcase. At nangangarap ka na sana next time si Willie naman para me jeepney.

Si Michael Fajatin ang laging nagpe-present ng annual report niyo..."Mga Igan... Nung umabot sa PhP50M ang
ating kinita... Kumita tayo ng PhP50M... Matapos nating magtrabaho ng matindi kumita tayo ng PhP50M pero bago yan ay nagtrabaho muna tayo saka tayo kumita ng PhP50M."

Boss mo si Big Brother... At alam niya na lampas 15 minutes ka nag-coffee break kaya kailangan mo mag-type nang gamit ang ilong mo hanggang patawarin ka niya.

Kaopisina mo si Arnold Clavio at pag naka-leave siya... OIC niya si Arn-Arn.

At ang number 1 sign na you're in Opis Windang... Department Head mo si Mike Enriquez... AT HINDI NIYA KAYO TATANTANAN!!!!