Wala tayo magagawa kung trip nya talaga yung ganun o na-impluwensyahan lang siya dahil sa pag singhot ng usok ng kumukulong langis sa Dubai. Sabi nga daw eh na-hack yung account. Ang nakaka-lungkot dito eh kung totoo nga ito. Alam mo naman tayong mga Pinoy, medyo sensitive sa ganyan. Lalo na ngayong galing tayo sa bagyo na humagupit sa Metro Manila. May kasabihan nga na kung wala kang sasabihing mabuti eh huwag mo na lang sabihin.
Magkahalong nakaka-tawa at nakaka-asar talaga ang Pinoy sa mga ganitong panahon ng kalamidad. May nagkwento nga sa akin nung na-stranded sila sa bus. May umakyat na vendor na nagtitinda ng Skyflakes. May nagtanong kung magkano at doble sa normal ang sinabi nyang presyo. Ang nakaka-asar dun, sinabi pa nung vendor na minsan lang daw mangyari yun dahil may baha. Syet. Nakuha pang mag-justify.
Kung tibay lang sa kalamidad eh bilib ako sa Pinoy. Yun lang, matibay din kunin ang pagkakataon maka-isa sa kapwa. Hay, nobody's perfect nga naman.
