Dito Ka Na Sa Windang

Ang buhay ng isang pinoy nga naman, minsan eh, nakaka-windang. Pero kahit ganun, lagi tayong masaya at tumatawa sa pag-gulong ng buhay.

Taralets at mag-adik sa mga mababasa nyo. Suportahan ang mga advertisments sa pag-click nito. Para sa mga suhestiyon, dagdag comments o mga nakaka-windang na larawan at istorya, email lang kayo sa windangfilipino@yahoo.com.ph.

Mula ngayon, isa ka nang tunay na Windang Filipino!

Thursday, July 30, 2009

Game & Watch: Balik-tanaw


Kung sino ang kayang maka-reset ng score sa zero, siya ang pinaka-malupet. Pataasan ng score ang labanan palagi. Kailangan wala o konti lang ang miss. Walang patayan ng unit maipakita lang ang highest score sa mga kaklase. Binabaliktad ang isang baterya para hinde agad maubos. Ito ang mundo ko nung nauso ang Nintendo Game and Watch.

Naka-regalo ako nito nung birthday ko noon. Proud owner. Hindi lahat ng mga bata noon ay meron nito. Naalala ko pa kung paano ko yun inalagaan. Maingat ako na hindi mahiram ng kalaro ko na madiin kung pumindot (hehehe). Ako ang master ng Parachute game at kaya ko i-reset ang score sa zero na walang miss. Taob lahat ng ibang bata sa akin sa larong Parachute. Pina-panis ko silang lahat. =)

Sobrang love ko yung Game and Watch. Naka-subok na ako dati ng ibat-ibang laro dun sa mamang nagpapa-renta ng mga Game and Watch (na nakatali sa kahoy) pero iba pa din ang dating ng Parachute sa akin. At kahit pa lumabas na ang high-end Donkey Kong na dual-screen, hinde ko pa din ipinagpalit si Parachute ko. Mas madami pang oras ang inilaro ko sa Game and Watch noon kesa sa PSP ko ngayon.

Yun lang, nung naubos na ang baterya, hinde ako nagpabili agad dahil umandar ang aking pagka-Engineer. Dahil 3Volts ang nakita kong voltage na kailangan nya, nilagayan ko siya ng 3Volts gamit ang isang AC-DC adaptor. Umandar syempre pero hinde na uli nabuhay pagkatapos nun (pakialamero kase!). Wish ko nga sana hinde ko din naitapon yun kahit sira na. Legacy collection din yun sa ngayon.

Siguro yung Nintendo Game and Watch ang nagbukas ng pintuan ko sa pagka-hilig ko sa gadgets. Mananatili itong isnag malufet na parte ng aking kabataan.

Wednesday, July 29, 2009

Sablayers: Bilang 1


Engineer at McDo Eastwood, 8PM.