Dito Ka Na Sa Windang

Ang buhay ng isang pinoy nga naman, minsan eh, nakaka-windang. Pero kahit ganun, lagi tayong masaya at tumatawa sa pag-gulong ng buhay.

Taralets at mag-adik sa mga mababasa nyo. Suportahan ang mga advertisments sa pag-click nito. Para sa mga suhestiyon, dagdag comments o mga nakaka-windang na larawan at istorya, email lang kayo sa windangfilipino@yahoo.com.ph.

Mula ngayon, isa ka nang tunay na Windang Filipino!

Saturday, October 31, 2009

Upuan: Gloc 9 at Zelle

Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo.
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko.

Ganito kasi yan eh...

Verse 1:

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Chorus:
Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo.
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko.

Verse 2:

Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit kapag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pero niyo
Walang doktor na makapag papalinaw ng mata niyo
Kaya...

Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaay wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)
Yeahhey...

Thursday, October 22, 2009

Sablayers: Bilang 16

Patok na pang Facebook profile ito!

Sunday, October 18, 2009

Kape Trivia


An espresso has less caffeine than a cup of coffee.

A cup of drip brewed coffee has about 115 milligrams of caffeine, an espresso (and percolated coffee) about 80mg, while instant coffee has about 65mg of caffeine. Decaffeinated coffee is not totally caffeine free, containing about 3mg of caffeine. A 8oz can of Coca-Cola has about 23mg of caffeine, Pepsi Cola 25mg, Mountain Dew 36mg, and TAB 31mg. Tea has about 40mg of caffeine, while an ounce of chocolate contains about 20mg.

The first Espresso machine was introduced in 1822 by the French, but it was the Italians who perfected and distributed it.

Thursday, October 8, 2009

Bahay Kubo Ni Bagyong Ondoy


(Kantahin sa tono ng Bahay Kubo)

Bahay ko po, dami putik,
Ang pumasok doon,
Ay sari-sari.

Nilimas na karton,
Sirang medyas at damit,
Silya, basurang mapanghe.

Ondoy parusa,
Binura Marikina,
At saka meron pa,
Lubog din ang Edsa.

Montalban at Pasig,
Taytay at Cainta,
Sa paligid-ligid ay puno ng BAHA!

Sunday, October 4, 2009

Sablayers: Bilang 15

...and here we have our Teacher Created Material section...

Saturday, October 3, 2009

Mga Balitang Walang Saysay

* Good news, walang bad news.

* Tahanang walang hagdan, inakyat.

* Unanong madre, napagkamalang penguin.

* Bulag, nakapatay, nagdilim daw ang paningin.

* Tindera ng suka, tinoyo.

* Basurero, nagsampa ng kaso, ibinasura.

* Misis ng photographer, nakunan.

* Isang buntis nasaksak, bata nakaiwas.

* Unggoy bumabasa nito, napangiti! Hehehe.