Hindi ko sigurado kung totoo ba o hoax lang itong Facebook capture na ito. Galing sa email. Sinubukan kong i-search si Jacque Bermejo sa FB pero yung pic na nakita ko dun eh mukha siyang halimaw sa edit na green sa mukha (kung siya nga yun). I-google mo lang madami ka na mababasa. Pati na yung "Official Statement" ng kapatid niya.
Wala tayo magagawa kung trip nya talaga yung ganun o na-impluwensyahan lang siya dahil sa pag singhot ng usok ng kumukulong langis sa Dubai. Sabi nga daw eh na-hack yung account. Ang nakaka-lungkot dito eh kung totoo nga ito. Alam mo naman tayong mga Pinoy, medyo sensitive sa ganyan. Lalo na ngayong galing tayo sa bagyo na humagupit sa Metro Manila. May kasabihan nga na kung wala kang sasabihing mabuti eh huwag mo na lang sabihin.
Magkahalong nakaka-tawa at nakaka-asar talaga ang Pinoy sa mga ganitong panahon ng kalamidad. May nagkwento nga sa akin nung na-stranded sila sa bus. May umakyat na vendor na nagtitinda ng Skyflakes. May nagtanong kung magkano at doble sa normal ang sinabi nyang presyo. Ang nakaka-asar dun, sinabi pa nung vendor na minsan lang daw mangyari yun dahil may baha. Syet. Nakuha pang mag-justify.
Kung tibay lang sa kalamidad eh bilib ako sa Pinoy. Yun lang, matibay din kunin ang pagkakataon maka-isa sa kapwa. Hay, nobody's perfect nga naman.
Dito Ka Na Sa Windang
Ang buhay ng isang pinoy nga naman, minsan eh, nakaka-windang. Pero kahit ganun, lagi tayong masaya at tumatawa sa pag-gulong ng buhay.
Taralets at mag-adik sa mga mababasa nyo. Suportahan ang mga advertisments sa pag-click nito. Para sa mga suhestiyon, dagdag comments o mga nakaka-windang na larawan at istorya, email lang kayo sa windangfilipino@yahoo.com.ph.
Mula ngayon, isa ka nang tunay na Windang Filipino!

Wednesday, September 30, 2009
Saturday, September 26, 2009
Monday, September 21, 2009
7 Last Words Bago Nadulas
1. Ano ito, balat ng saging?
2. Wala yan. Tubig lang yan sa daan.
3. Maputik ata dito...
4. Wow! Bagong floor wax!
5. Eto ang tinatawag na lumot sa bato...
6. Tignan mo oh, ang kinis ng tiles.
7. Naka-apak ata ako ng sabon...
2. Wala yan. Tubig lang yan sa daan.
3. Maputik ata dito...
4. Wow! Bagong floor wax!
5. Eto ang tinatawag na lumot sa bato...
6. Tignan mo oh, ang kinis ng tiles.
7. Naka-apak ata ako ng sabon...
Sunday, September 20, 2009
Noypi Ka Ba? (Mga Gawi at Ugali)
Mga mannerism at traits daw ng Pinoy.
- Papatayin ng Kontrabida ang pamilya ng Bida.
- Maghihiganti ang Bida.
- Makikila ng Bida ang Leading Lady sa bar o resto at mai-inlab sila sa isa't-isa.
- Kikidnapin ng Kontrabida si Leading Lady at tatakutin si Bida na tigilan na siya pati goons nya.
- Sasagipin ng Bida ang Leading Lady (maaksyon na dito).
- Sa pagtakas gagamit ang Bida at Kontrabida ng mga lumang kotse. Maghahabulan.
- Sasabog ang mga lumang kotse at uulit-ulitin ito pero minsan ibang anggulo ng camera.
- Mapapatay ng Bida si Kontrabida at dadating ang mga pulis.
- Bida at Leading Lady ay mabubuhay ng happily ever after.
- Tumuturo ka gamit ang iyong labi.
- Nagkakamay ka kung kumain at naka-taas ang iyong paa sa upuan at naka-lapat ang siko mo sa tuhod.
- May bagahe kang "Balikbayan Box."
- Tumatango ka pataas para batiin ang ibang tao.
- Sumusutsot ka para makuha ang atensyon ng iba. Pssst!
- Gumagamit ka ng batong panghilod ng libag tuwing naliligo.
- Nagne-nenok ka mga anik-anik sa mga hotel o restaurant para gawing souvenir.
- Napapa-ngiti sa ng walang dahilan (lalo na kapag nagte-text).
- Humihingi ka ng tawad o discount sa Department Store.
- Kumakamot ka ng ulo kapag hinde mo alam ang sagot sa tanong.
- May kapirasong pagkain na tinitira ka sa hapag-kainan at nagkakahiyaan na kainin yun.
- Naglalaro ka ng pusoy, mahjong, o tong-its.
- Mas gusto mong nasa silong kesa ilalim ng araw dahil ayaw mong umitim.
- Sadya mong may dagdag na "H" sa iyong pangalan: Jhun, Bhoy, Rhon.
- Nilalagay mo sa harap mo ang iyong mga kamay at nagsasabing "Excuse, Excuse" kapag dumadaan ka sa gitna ng mga tao.
- Gusto mo lahat ay imported or "stateside".
- Lagi kang 15-30 minuto na late (meetings, events).
- Lagi kang nag-aalok ng pagkain sa mga bisita.
- Nagse-senyas ka ng parisukat sa hangin kapag kinukuha mo na ang chit (bill-out).
- Hindi ka umuupo sa mga bowl ng public toilets. Magi-squat ka o palibutan ng tissue ang upuan ng bowl at magpa-flush ka gamit ang paa.
- Kapag late ka pumasok sa trabaho, ang excuse mo ay "traffic eh."
- Lagi kang nagsisipilyo pagkatapos kumain ng lunch sa opisina.
- Nagbebenta ka ng Amway, Avon, Dakki, at Herbalife bilang sideline.
- Kapag kukuha ng sedula, hinde mo nilalagay ang totoo mong sweldo. Minsan, pang-estudyante na bayad lang .
- Sa Immigration, kapag may tinawag na "Maria", ikaw at 46 pang mga babae ang tatayo.
- Sa tingin mo ay pareho lang ang mag-shower at maligo.
- Ginagawa mong supot ng basura ang mga shopping bags o plastic bags ng supermarket.
- Gumagamit ka ng baretang sabon kapag naghuhugas ng mga pinagkainan.
- Ginagamit mong notebook cover ang mga imported fashion magazine at ayaw mo na artistang pinoy ang cover kase "jologs."
- Enjoy ka manood ng Pinoy action films na laging ganito ang tema:
- Papatayin ng Kontrabida ang pamilya ng Bida.
- Maghihiganti ang Bida.
- Makikila ng Bida ang Leading Lady sa bar o resto at mai-inlab sila sa isa't-isa.
- Kikidnapin ng Kontrabida si Leading Lady at tatakutin si Bida na tigilan na siya pati goons nya.
- Sasagipin ng Bida ang Leading Lady (maaksyon na dito).
- Sa pagtakas gagamit ang Bida at Kontrabida ng mga lumang kotse. Maghahabulan.
- Sasabog ang mga lumang kotse at uulit-ulitin ito pero minsan ibang anggulo ng camera.
- Mapapatay ng Bida si Kontrabida at dadating ang mga pulis.
- Bida at Leading Lady ay mabubuhay ng happily ever after.
Saturday, September 19, 2009
Tuesday, September 15, 2009
Condominium (Condom + Imodium)
Iba na din talaga ang panahon ngayon. Sa TV commercials pa lang, makikita mo na ang pagbubukas-isip ng mga tao sa mga bagay-bagay. Isa na dito ang mga commercials ng condom. Dati patago ito bilhin o ipagtanong sa drugstore. Ngayon, parang kendi na lang sa tindahan.
Naalala ko tuloy nung high school student pa ako. Ako ang madalas utusan ng nanay ko sa Mercury Drug sa Kalentong. Hinde pa supermarket ang style ng drugstores noon kaya lahat ng bibilhin mo eh aasikasuhin ng Pharmacy Assistant. May nakasabay akong malaking mama sa kaliwa na bumili ng Biogesic sabay parang pabulong na nagsabi ng condom. Mabilis namang kumilos para kumuha ng gamot yung babaeng Pharmacy Assistant na umasikaso sa kanya. Malamang condom lang talaga ang bibilhin nung mama pero umi-style lang ng Biogesic para hinde nakakahiya. Lusot na sana siya kaso sumigaw yung Pharmacy Assistant sa payment counter na nasa gitna ng drugstore. "Sir, ilan po uli yung Imodium?" Hehehe. Tatawa-tawa ako sa isip. Nakikiramdam. Mali yata ang dinig nung Pharmacy Assistant. Imbes na condom eh, Imodium. Hinde maka-imik yung mama. Gusto nyang sabihin ang salitang "condom" pero hindi nya malaman kung paano ito sasabihin. Maririnig ng lahat kasi nga nasa gitna ng drugstore yung payment counter. Gusto nyang sumigaw ng pabulong... "Condom!"
Sumigaw ulit yung Pharmacy Assistant na medyo na-weirduhan dahil sa hindi pag-imik nung mama kahit na nakatingin na ito sa kanya. "Sir, ilan po uli yung Imodium?!" Paulit na sinabi nung Pharmacy Assistant. Medyo mas malakas sa dati. Hehehe. Tumatawa na ako ng malakas sa isipan ngayon (at nagmumukhang tanga na din). Umubo ng konti at nagsalita na din yung mama. "Condom!" Narinig kong tumawa bahagya ang mga tao sa paligid nung mama at napangiti din yung babaeng Cashier. Pero hindi masyadong nahiya yung mama. May composure. Madalas na talaga siguro ito bumili nun. Hahaha! Tawa na naman sa isip. (Dito nagmukha na talaga akong tanga dahil naka-ngisi ako na parang aso).
Wala na ulit akong na-experience na ganun sa Mercury Drug. Kung nung panahon na yun eh talagang nakakahiya bumili ng condom, kabaliktaran na ngayon. At fancy pa nga dahil may iba't-ibang kulay pa at "flavor." Pero hindi pa din daw para sa lahat ang condom. Tignan mo yung mga commercials. May singsing yung lalake di ba? Pahiwatig na may may asawa na siya. Ahm, yun lang hinde ko napansin kung may singsing din yung babae na kasama niya. O talaga bang asawa niya yun. Hehehe. Wala lang. Nilagyan ko lang ng kulay. So... Are we good?!

Mga tatak:
condom,
imodium,
kalentong,
mercury drug
Saturday, September 12, 2009
Wednesday, September 9, 2009
Bahagharing Mundo
Ang paligid mo'y pagmasdan.
Ang bawat tao'y iyong tignan.
Hindi ba't ating masasabi,
Ang mundo'y bahaghari lamang?
Isang hugis ngunit makulay.
Hindi ba't ganyan ang ating buhay?
Sa dulo'y may ginto't kayamanan,
Pinipilit maabot kamay.
Ang bawat kulay at bawat tingkad.
Ikaw at ako'y dyan nakasaad.
Buksan ang puso't iyong pakinggan.
Si bahaghari ang maglalahad.
Isang bahaghari ang mundo nating ito.
Mahaba't malawak minsa'y ibang anyo.
Kung magmumuni't iyong iisipin,
Sadyang ganyan ang buhay ng tao.
Iba't ibang kulay ngunit iisa.
Iba't ibang kulay ngunit sama-sama.
Minsa'y malungkot, minsa'y masaya.
Minsa'y mahirap, minsa'y maginhawa.
May tuwang dala sa puso mo,
Ang pagbasbas ng Diyos sa bawat tao.
Isang karangalan ang mapili at mailagay,
Dito sa Kanyang bahagharing mundo.

Tuesday, September 8, 2009
Saturday, September 5, 2009
Ang Nokia Na Laptop
Heto ang Nokia na hindi tao, hindi hayop, at hindi cellphone. Astig yung advertisement pati tugtog. Wala lang.
Mga tatak:
booklet 3g,
computer,
laptop,
netbook,
nokia
Thursday, September 3, 2009
Pagbabago
Sa isang mundo na puro kahibangan,
Iyong gawin ang dapat, gawin ang kailangan.
Huwag kang matakot at huwag susuko,
Ang pagbabago'y atin ding matutungo.
Pagbabago - ayusin ang lipunan.
Alisin ang inggit at ang kasakiman.
Magbigay - Taos sa puso at tunay.
Ugaling makatao gawing ating gabay.
Bihisan ang puso at ang isipan.
Imulat ang mga mata sa kapaligiran.
Huwag puro salita at kumilos ka rin.
Upang ang pagbabago'y agad nating marating.
Sama-sama tayo sa ating adhikain.
Kasama ang Diyos na siyang Ama natin.
Iisa ang pwersa, iisa ang lakas.
Tungo sa isang maaliwalas na bukas.

Subscribe to:
Posts (Atom)