Ang paligid mo'y pagmasdan.
Ang bawat tao'y iyong tignan.
Hindi ba't ating masasabi,
Ang mundo'y bahaghari lamang?
Isang hugis ngunit makulay.
Hindi ba't ganyan ang ating buhay?
Sa dulo'y may ginto't kayamanan,
Pinipilit maabot kamay.
Ang bawat kulay at bawat tingkad.
Ikaw at ako'y dyan nakasaad.
Buksan ang puso't iyong pakinggan.
Si bahaghari ang maglalahad.
Isang bahaghari ang mundo nating ito.
Mahaba't malawak minsa'y ibang anyo.
Kung magmumuni't iyong iisipin,
Sadyang ganyan ang buhay ng tao.
Iba't ibang kulay ngunit iisa.
Iba't ibang kulay ngunit sama-sama.
Minsa'y malungkot, minsa'y masaya.
Minsa'y mahirap, minsa'y maginhawa.
May tuwang dala sa puso mo,
Ang pagbasbas ng Diyos sa bawat tao.
Isang karangalan ang mapili at mailagay,
Dito sa Kanyang bahagharing mundo.
Dito Ka Na Sa Windang
Ang buhay ng isang pinoy nga naman, minsan eh, nakaka-windang. Pero kahit ganun, lagi tayong masaya at tumatawa sa pag-gulong ng buhay.
Taralets at mag-adik sa mga mababasa nyo. Suportahan ang mga advertisments sa pag-click nito. Para sa mga suhestiyon, dagdag comments o mga nakaka-windang na larawan at istorya, email lang kayo sa windangfilipino@yahoo.com.ph.
Mula ngayon, isa ka nang tunay na Windang Filipino!

Wednesday, September 9, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Wats ur comment?:
Post a Comment