Dito Ka Na Sa Windang

Ang buhay ng isang pinoy nga naman, minsan eh, nakaka-windang. Pero kahit ganun, lagi tayong masaya at tumatawa sa pag-gulong ng buhay.

Taralets at mag-adik sa mga mababasa nyo. Suportahan ang mga advertisments sa pag-click nito. Para sa mga suhestiyon, dagdag comments o mga nakaka-windang na larawan at istorya, email lang kayo sa windangfilipino@yahoo.com.ph.

Mula ngayon, isa ka nang tunay na Windang Filipino!

Wednesday, August 5, 2009

Opis Windang

(emailed from a friend)

ANO KAYA KUNG...

Ang lobby guard niyo ay si Palito alias Rambuto.

Ang time administrator niyo ay si Cherie Gil at ang morning greeting niya with a smile ay..."Welcome to hell..."

Ang HR head niyo ay si Bella Flores at ang Employee Relations Officer ay si Odette Khan at ang HR Staffing head ay si Dexter Doria... At pag pumasok ka na walang ID o hindi naka-uniform... kakaladkarin ka nila sa buhok palabas ng opisina pagkatapos kang pagsasampalin.

Ang Employee Benefits head ay si Lolit Solis...Cge... magreklamo ka na maliit ang sweldo mo... Cgeeeeeeeeeeeeeeeeee... I dare you!!!!

Tuwing may problema ang kompanya, ang Corporate Communications head niyo na si Cristy Fermin ang nagbibigay ng official company statement... At ang simula nang kanyang presscon ay... "Galing ito sa isang reliable source at itataya ko ang buhay at karangalan ko dito... Wala akong libel case na inuurungan..."

Ang official company driver niyo ay si Vandolph. Do I have to explain?

Kapag kasama mo mag-OT si German Moreno... Walang tulugan!

Ang Legal Investigator niyo ay si Tony Falcon at ang assistant niya ay si Wengweng... Paminsan minsan ay tumutulong si Ricky Lo at Madam Auring bilang consultant.

Tuwing bubuksan mo ang filing cabinet andun si Mahal sa loob para iabot ang file na hinahanap mo.

Messenger niyo si Kuya Cesar.

Si Boy Abunda ang career counselor mo at tuwing me problema ka ang tanong niya ay... "Mag-usap tayo kaibigan... Kung nasa harap ka ng salamin ano ang sasabihin mo sa iyong sarili?"

Si Love AƱover ang voice behind your automated phone system. "Mga katsokaran... ip you chuva da number
eklavu... dependots 1... ips not... luz valdez... charing!"

Ang Office Security niyo ay binubuo ng Tulfo Brothers... Bigla silang darating sa opisina mo at sasabihin "Hephephep... Nag-uuwi ka ng bond paper... Tarantadong to ah... Manggagantsong butete ka!!!" At pag tumanggi ka... Ipapanood nila sa yo ang hidden camera shots na nagpupuslit ka ng 2 pirasong bond paper mula sa printer... Habang pinoposasan ka ng mga pulis.

Tuwing pasko ang prize committee head ay si Bernadette Sembrano at Vicky Morales. Taun-taon din ay nanalo ko ng banana-cue at pedicab showcase. At nangangarap ka na sana next time si Willie naman para me jeepney.

Si Michael Fajatin ang laging nagpe-present ng annual report niyo..."Mga Igan... Nung umabot sa PhP50M ang
ating kinita... Kumita tayo ng PhP50M... Matapos nating magtrabaho ng matindi kumita tayo ng PhP50M pero bago yan ay nagtrabaho muna tayo saka tayo kumita ng PhP50M."

Boss mo si Big Brother... At alam niya na lampas 15 minutes ka nag-coffee break kaya kailangan mo mag-type nang gamit ang ilong mo hanggang patawarin ka niya.

Kaopisina mo si Arnold Clavio at pag naka-leave siya... OIC niya si Arn-Arn.

At ang number 1 sign na you're in Opis Windang... Department Head mo si Mike Enriquez... AT HINDI NIYA KAYO TATANTANAN!!!!

0 Wats ur comment?:

Post a Comment