Dito Ka Na Sa Windang

Ang buhay ng isang pinoy nga naman, minsan eh, nakaka-windang. Pero kahit ganun, lagi tayong masaya at tumatawa sa pag-gulong ng buhay.

Taralets at mag-adik sa mga mababasa nyo. Suportahan ang mga advertisments sa pag-click nito. Para sa mga suhestiyon, dagdag comments o mga nakaka-windang na larawan at istorya, email lang kayo sa windangfilipino@yahoo.com.ph.

Mula ngayon, isa ka nang tunay na Windang Filipino!

Sunday, September 20, 2009

Noypi Ka Ba? (Mga Gawi at Ugali)

Mga mannerism at traits daw ng Pinoy.
  1. Tumuturo ka gamit ang iyong labi.
  2. Nagkakamay ka kung kumain at naka-taas ang iyong paa sa upuan at naka-lapat ang siko mo sa tuhod.
  3. May bagahe kang "Balikbayan Box."
  4. Tumatango ka pataas para batiin ang ibang tao.
  5. Sumusutsot ka para makuha ang atensyon ng iba. Pssst!
  6. Gumagamit ka ng batong panghilod ng libag tuwing naliligo.
  7. Nagne-nenok ka mga anik-anik sa mga hotel o restaurant para gawing souvenir.
  8. Napapa-ngiti sa ng walang dahilan (lalo na kapag nagte-text).
  9. Humihingi ka ng tawad o discount sa Department Store.
  10. Kumakamot ka ng ulo kapag hinde mo alam ang sagot sa tanong.
  11. May kapirasong pagkain na tinitira ka sa hapag-kainan at nagkakahiyaan na kainin yun.
  12. Naglalaro ka ng pusoy, mahjong, o tong-its.
  13. Mas gusto mong nasa silong kesa ilalim ng araw dahil ayaw mong umitim.
  14. Sadya mong may dagdag na "H" sa iyong pangalan: Jhun, Bhoy, Rhon.
  15. Nilalagay mo sa harap mo ang iyong mga kamay at nagsasabing "Excuse, Excuse" kapag dumadaan ka sa gitna ng mga tao.
  16. Gusto mo lahat ay imported or "stateside".
  17. Lagi kang 15-30 minuto na late (meetings, events).
  18. Lagi kang nag-aalok ng pagkain sa mga bisita.
  19. Nagse-senyas ka ng parisukat sa hangin kapag kinukuha mo na ang chit (bill-out).
  20. Hindi ka umuupo sa mga bowl ng public toilets. Magi-squat ka o palibutan ng tissue ang upuan ng bowl at magpa-flush ka gamit ang paa.
  21. Kapag late ka pumasok sa trabaho, ang excuse mo ay "traffic eh."
  22. Lagi kang nagsisipilyo pagkatapos kumain ng lunch sa opisina.
  23. Nagbebenta ka ng Amway, Avon, Dakki, at Herbalife bilang sideline.
  24. Kapag kukuha ng sedula, hinde mo nilalagay ang totoo mong sweldo. Minsan, pang-estudyante na bayad lang .
  25. Sa Immigration, kapag may tinawag na "Maria", ikaw at 46 pang mga babae ang tatayo.
  26. Sa tingin mo ay pareho lang ang mag-shower at maligo.
  27. Ginagawa mong supot ng basura ang mga shopping bags o plastic bags ng supermarket.
  28. Gumagamit ka ng baretang sabon kapag naghuhugas ng mga pinagkainan.
  29. Ginagamit mong notebook cover ang mga imported fashion magazine at ayaw mo na artistang pinoy ang cover kase "jologs."
  30. Enjoy ka manood ng Pinoy action films na laging ganito ang tema:
- Magkalabang mortal ang Bida at Kontrabida.
- Papatayin ng Kontrabida ang pamilya ng Bida.
- Maghihiganti ang Bida.
- Makikila ng Bida ang Leading Lady sa bar o resto at mai-inlab sila sa isa't-isa.
- Kikidnapin ng Kontrabida si Leading Lady at tatakutin si Bida na tigilan na siya pati goons nya.
- Sasagipin ng Bida ang Leading Lady (maaksyon na dito).
- Sa pagtakas gagamit ang Bida at Kontrabida ng mga lumang kotse. Maghahabulan.
- Sasabog ang mga lumang kotse at uulit-ulitin ito pero minsan ibang anggulo ng camera.
- Mapapatay ng Bida si Kontrabida at dadating ang mga pulis.
- Bida at Leading Lady ay mabubuhay ng happily ever after.

1 Wats ur comment?:

Anonymous said...

tru yan

Post a Comment